Maaaring bumalik mamaya sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm Uwan (international name: FUNG-WONG).
Ito ay matapos magbago ng direksyon ang naturang sama ng panahon habang nasa West Philippine Sea.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 280 km kanluran ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 km/h malapit sa gitna, at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 115 km/h.
Kumikilos ito nang pahilagang-hilagang silangan sa bilis na 10 km/h.
Kung papasok man ito sa PAR, inaasahang tatama ito sa Taiwan at hindi sa alinmang bahagi ng Pilipinas.
Gayunman, maaari pa rin itong magdulot ng mga pag-ulan sa Northern Luzon at malalaking alon sa mga katubigang bahagi ng nasabing rehiyon.
Signal No. 1:
Batanes, Babuyan Islands (Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is.) at northwestern portion ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pasuquin, Dumalneg, Pagudpud)
















