Patuloy ang paghina ng bagyong “Uwan” habang ito ay kumikilos palayo sa kalupaan sa direksyong kanluran hilagang-kanluran.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 135 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Bacnotan, La Union.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 160 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras. Ang malalakas na hangin mula sa bagyo ay umaabot hanggang 850 kilometro mula sa gitna.
Mga Lugar na Nasa Ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS):
Signal No. 3 Luzon: Ilocos Sur, hilaga at gitnang bahagi ng La Union, at hilagang-kanlurang bahagi ng Pangasinan.
Signal No. 2 Luzon: Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, natitirang bahagi ng La Union at Pangasinan, Aurora, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, at Bulacan.
Signal No. 1
Luzon: Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, Marinduque, Romblon, hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at hilaga at kanlurang bahagi ng Masbate kasama ang Burias at Ticao Islands. Visayas: Aklan, Capiz, at hilaga at gitnang bahagi ng Antique kasama ang Caluya Islands.
















