Harry Roque
Harry Roque
-- Advertisements --

Umaabot na sa $5.758 billion ang nautang ng Pilipinas sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, galing ang utang sa Asian Development Bank (ADB), World Bank (WB) at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Una nang inihayag ni Sec. Roque na hindi kaagad nakukuha ang pera sa mga inuutang dahil dadaan pa ito sa mahabang proseso.

“Meron na po tayong naiutang na $5.758B, yan po ang sumatutal ng ating naiutang na para sa COVID responses. Ito po ay galing sa ADB, ito po ay galing sa World Bank, ito po ay galing sa, kung di po ako nagkakamali, meron din pong AIIB,” ani Sec. Roque.