-- Advertisements --

Nasa US$600 million ang inutang ng gobyerno sa World bank na gagamiting pangtustos sa Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up na layong baguhin ang agrikultura para sa isang moderno at industrialized sector sa pamamagitan ng public infrastructure intervention at palawakin ang commodity value chain.

Ang PRDP Scale-Up ay proyekto ng Department of Agriculture (DA) na siyang tutugon sa mga hamon na kinakaharap ng agriculture and fisheries sector at rural communities sa bansa.

Ang nasabing proyekto ay magpapalakas sa mga magsasaka at mangingisda na magkaroon ng mabilis na access sa merkado, mapataas ang kanilang kita mula sa mga piling agri-fishery value chains, ng sa gayon ma-improve ang efficiency sa food supply chain.

Una ng binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr., ang kahalagahan na ma develop ang agriculture sector hindi lamang sa production kundi maging ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.

Sakop ng nasabing proyekto ang 16 na rehiyon na binubuo ng 82 probinsiya sa buong bansa.

Sa sandaling makumpleto ang proyekto, layon ng Department of Agriculture na i-facilitate ang transition sa isang regular locally-funded program para matiyak ang continuity at sustainability ng mga proyekto.

As of July 2023, ang kabuuang World Bank official development assistance loan and grant commitments ay nagkakahalaga ng US$7.74 billion.