-- Advertisements --

Nanguna sina Lady Gaga at Bruno Mars sa dami ng mga nominasyon sa MTV Video Music Awards.

Mayroong 12 nominasyon si Lady Gaga kabilang ang artist of the Year at Best Album of the Year na “Mayhem”.

Habang si Mars ay mayroong 11 nominasyon kabilang best song na “APT” na kasama si K-pop sensation Rose.

Makakatunggali ni Lady Gaga sa artist of the year sina Beyonce at Taylor Swift.

Sina Swift at Beyonce ay mayroong pinakamaraming VMA awards na parehas sila na may tig-30.

Gaganapin ang awarding sa darating na Setyembre 7 sa New York.