-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky si US President Donald Trump dahil sa naging maganda ang bunga ng kanilang pag-uusap sa telepono.
Sinabi nito na napag-usapan nila ang dagdag na sanctions sa Russia, defense cooperation at drone productions.
Isinagawa ang pag-uusap isang araw bago ang pagbisita sa Russia ni US envoy Steve Witkoff at makakapulong si President Vladimir Putin.
Magugunitang nagbanta si Trump na mahaharap ng mabigat na sanctions kasama ang mga bansa na nakikipagnegosasyon sa Russia kapag hindi sila tumugon sa isinusulong nilang ceasefire.