-- Advertisements --

Nananatiling puno ang stock ng bigas sa mga bodega o warehouse ng National Food Authority (NFA) sa kabila pa ng magkakasunod na bagyong tumama sa bansa sa nakalipas na linggo.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, hindi pa ganon kalaki ang nababawas sa mga stock ng bigas sa mga NFA warehouse.

Aniya, kahit na may mga dumating na mga bagyo sa bansa, nakahanda sila dito.

Iniulat din ng opisyal na nasa dalawang bodega sa Ilocos Region ang nakapagtala ng pinsala sa nagdaang kalamidad kabilang ang isa sa Alaminos, Pangasinan at isa sa La Union.

Subalit, tiniyak ni Admin. Lacson na mayroong sapat na stock ng bigas ang NFA na tatagal hanggang 12 araw na katumbas ng 452,000 palay o 9 milyong mga sako ng bigas.