-- Advertisements --

Tuluyan ng nakapasok sa Caribbean Sea ang USS Gerald R. Ford Carrier Strike Group.

Ayon sa US Navy, na layon nito na mapalalim ang paglaban ng US sa mga barko na may kargang iligal na droga sa rehiyon.

Makakasama nito ang US Southern Command na nagsasagawa ng malawakang operasyon sa lugar.

Magugunitang ilang ulit ng nagsagawa ng airstrike ang US sa mga bangka na naglalaman ng mga iligal n droga.

Kinondina naman ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang ginagawang ito ng US kaya inalerto niya ang kaniyang mga sundalo para magsagawa ng military exercise.