Tiniyak ng US na bawat mamamyan nila ay makakatanggap ng bakuna ng coronavirus sakaling makagawa na sila.

Sinabi ni Paul Mango, ang senior health department official, na nagsasagawa na sila ng masusing pag-aaral sa ginagawa nilang bakuna.

Ang bakunang ipapamigay sa mga mamamayan ng US ay binayaran na rin aniya ng gobyerno.

Umaabot din aniya sa $10 billion ang ginastos nila para sa anim na vaccine project.