SF AIRPORT
-- Advertisements --

Bubuksan na ng US ang kanilang border sa mga fully vaccinated na travellers simula Nobyembre 8.

Ayon sa White House na lahat ng mga fully vaccinated mula sa 33 bansa ay maaaring magtungo sa US basta maipakita nila ang negative COVID-19 test result na kinuha 72 oras bago ang kanilang biyahe.

Ang nasabing hakbang ay siyang pagtatapos sa unang pagkakataon ng ipinatupad na mahigpit na travel restrictions mula pa noong nakaraang taon.

Bukod sa 26 European nations ay kabilang din na makakapasok sa US ang mga mamamayan ng China, India, Iran, Ireland at South Africa.