-- Advertisements --

Nagkasundo na ang US Senator na naayon sa konstitusyon ang impeachment trial ni dating US President Donald Trump.

Sa pagsisimula ng ikalawang impeachment trial ni Trump, mayroong 56 na senador ang bumuto ng ‘oo’ habang ’44’ naman ang kumontra at nagsabing na wala sa konstitusyon ang nasabing impeachment trial.

Mayroong anim na Republican senators na kaalyado ni Trump ang sumama sa Democrats na naayon sa konstitusyon ang nasabing impeachment trial.

Sa ilang eksena sa pagdinig ay ipinakita ni Rep. Jamie Raskin ng Maryland at siya rin ang lead impeachment manager ang video kung saan nagwala ang mga protesters sa Capitol kung saan isang pulis ang nasawi sa insidente na nangyari noong Enero 6.

Sa panig ng kampo ni Trump, nanindigan sila na isa lamang pamumulitika ang nasabing impeachment trial.

Iginiit ni David Schoen ang abogado ni Trump na sariling interest ang nanaig sa mga mambabatas kaya gusto nilang ituloy ang impeachment kay Trump.

Magugunitang nagbunsod ang impeachment trial kay Trump matapos umano na siya pa mismo ang nag-udyok sa mga supporters nito na guluhin ang Capitol noong Enero 6 sa kasagsagan ng bilangan ng boto.