-- Advertisements --

Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang dagdag na mga National Guards sa Washington DC.

Ito ay matapos ang naganap na pamamaril sa dalawang National Guard na nakatalaga malapit sa White House.

Tiniyak din ng US President na hindi ito patitinag at lalong papaigtingin ang laban sa kriminilidad at pagpapaalis sa mga iligal na immigrants.

Magugunitang binaril ng suspek na si Rahmanullah Lakanwal, na isang Afghan national ang dalawang national guards na sina Army Specalist. Sarah Beckstrom, 20-anyos at ang 24-anyos na si U.S. Air Force Staff Sgt. Andrew Wolfe.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.