-- Advertisements --
Naaresto na ang walo sa 14 na mga pulis na sangkot sa panggagahasa sa isang 18-anyos na dalaga sa Cavite.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, habang nasa labas ang biktima ay nilapitan ito ng grupo ng lalake na nagpakilalang mga miyembro ng Canlubang PNP.
Pinilit nilang pinasok ang bahay at kinuha ang singsing at cellphone ng biktima at ginahasa pa ang biktima.
Ayon sa Police Regional Office IV-A na sa isinagawang follow up ay naaresto ang mga suspek na nakatalaga sa PNP PDEG SOU4A.
Nakuha sa mga suspek ang mga baril, bala ganun din ang cellphone at motor ng biktima at ilang pakete na pinaghihinalaang iligal na droga.
Patuloy na pinag-hahanap ang ilang mga kapulisan na sangkot sa insidente.
















