-- Advertisements --
Pumanaw na ang isa sa mga miyembro ng National Guard na binaril sa Washington DC.
Kinumpirma ni US President Donald Trump ang pagpanaw ng 20-anyos na si Sarah Beckstrom dahil sa hindi na nakayanan ang malalim na sugat na tinamo.
Habang ang 24-anyos na si Andrew Wolfe ay patuloy ang paglaban nito sa buhay.
Magugunitang ang dalawa ay pinagbabaril ng 29-anyos na suspek na si Rahmanullah Lakanwal habang nasa Farragut Square sa downtown DC.
Naaresto ang suspek at siya ay nakatakdang sampahan ng murder in the first degree.
















