-- Advertisements --
Pinayuhan ng US ang India at Pakistan na mag-usap para hindi na lumala ang tensyon.
May kaugnayan ito sa naganap na militant attack sa Kashmir region noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 26 na sibilyan.
Pinangunahan ni US Secretary Marco Rubio ang hiwalay na pakikipag-usap sa foreign minister ng India at Prime Minister ng Pakistan.
Inaakusahan kasi ng India ang Pakistan na sinusuportahan nila ang militants na siyang responsable sa pag-atake sa bayan ng Pahalgam noong Abril 22.
Mariing itinanggi naman ng Pakistan ang alegasyon na ito ng India.
Mula ng sumiklab ang gulo ay hinigpita ng dalawang bansa ang kanilang border.
Pinagbawalan din ng India sa kanilang airspace ang mga eroplano ng Pakistan.