-- Advertisements --

Pansamantalang ihihinto ng Estados Unidos ang pag-escort sa mga commercial ships sa Strait of Hormuz bilang bahagi ng pagsisikap na makamit ang posibleng kasunduan sa Iran, ayon kay US Pres Donald Trump.

Ayon kay Trump, may “malaking progreso” na umano sa negosasyon kaya pansamantalang ititigil ang operasyon upang bigyang-daan ang finalization ng kasunduan.

Kasabay nito, sinabi ni Secretary of State Marco Rubio na natapos na ng US ang offensive operations laban sa Iran, ngunit nananatiling handa ang militar na muling kumilos kung kinakailangan.

Sa kabila ng hakbang na ito, mananatili ang blockade ng US sa mga Iranian ports, habang patuloy ang tensyon sa rehiyon.

Nagbabala rin ang Iran ng posibleng “matinding tugon” kung may lalabag sa kanilang kontrol sa rutang pandagat, habang nagpapatuloy ang ulat ng mga missile at drone incidents sa United Arab Emirates, bagamat ito’y itinanggi ng Tehran.

Sa kabuuan, nananatiling marupok ang ceasefire sa gitna ng patuloy na banta ng panibagong sagupaan, kahit may isinusulong na diplomatikong kasunduan. (report by Bombo Jai)