-- Advertisements --

Kinumpirma ng US Navy na dumating na sa Caribbean ang US Naval Strike force kasama ang USS Gerald R ford, ang pinakamalaking barkong pandigma sa buong mundo.

Sa isang statement, sinabi ng US Navy na napasok na ng kanilang strike group nitong Martes, Nov. 11 (eastern time) ang area of responsibility ng US Southern Command, na namamahala sa Latin America at Carribean.

Kabilang sa strike group ang mahigit 4,000 sailors at dose-dosenang aircraft, kasama ang guided-missile destroyers at iba’t ibang barko.

Ayon kay Pentagon spokesman Sean Parnell, papalakasin ng pwersa ang kapasidad ng Amerika para ma-detect, ma-monitor at mapigilan ang mga illicit actors at iligal na aktibidad na nakakasira sa seguridad at kaunlaran ng Amerika at makakatulong din ito para mapigilan ang narcotics trafficking at criminal groups sa rehiyon.

Ang pagdating ng strike group, na ipinag-utos ni US President Donald Trump noon pang nakalipas na buwan, ay sa gitna ng nagpapatuloy na kampaniya laban sa sa umano’y mga drug boat at tensiyon sa pagitan ng Amerika at Venezuela.

Nauna naman ng inakusahan ni Venezuelan President Nicolas Maduro at iba pang opisyal ang Amerika ng pagiimbento ng krisis, na target na mabuwag ang left-wing socialist government sa Venezuela.

Sa ngayon, nasa 19 na pag-atake na ang inilunsad ng Amerika laban sa mga bangkang nagdadala umano ng mga iligal na droga na idinadaan sa Carribean at eastern Pacific, na kumitil sa 76 na katao.