Taiwan
-- Advertisements --

Nagkausap ang Taiwanese at US officials kung paano magkaroon ng mabungang pakikipagbahagi ang Taiwan sa United Nations.

Noon kasi ay kabahagi ang Taiwan na gamit ang Republic of China hanggang Oktubre 25,1971 nang nagbotohan ang mga Chinese representative hanggang pinalayas ang mga ito.

Taong 1949 din ng nagwagi ang People’s Republic of China at napilitan ang republican government para lumikas sa isla.

Sa inilabas na pahayag ng US State Department, sinabi nito na nagkausap virtually ang dalawang opisyal ng Taiwan at US at tinalakay ang pakikibahagi nila sa United Nation.

Malaki aniya ang maitutulong ng Taiwan sa World Health Organization at UN Framework Convention on Climate Change.

-- Advertisement --

Pinasalamatan naman ng Foreign Ministry ng Taiwan ang US dahil sa suporta nito na makasali sila sa UN.