Naharang ng US F-22 stealth jets ang apat na Russian bombers at dalawang Russian Su-35 jets sa karagatang bahagi ng Alaska.

Ayon sa North American Aerospace Defense Command, lumipad ang Russian long-range bombers sa Air Defense Identification Zone.

Ang dalawang Russian bombers ay naharang ng dalawa F-22 habang ang pangalawang grupo ng bombers kabilang ang Su-35 fighter ay naharang din ng dalawang karagdagang F-22.

Agad naman inalalayan palabas sa lugar ang nasabing fighter jet na pag-aari ng Russia.

Hindi naman itinanggi ng Russian Ministry of Defense ang pangyayari at tinawag nito na nagkakaroon lamang sila ng scheduled sorties sa neutral waters sa Chukotka, Bering at Okhotsk seas.