-- Advertisements --

spy1

Tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang apat na SCANEAGLE unmanned Aerial System (UAS) mula sa US military sa isinagawang turn-over sa ceremony Clark, Pampanga.

Ang apat na drone ay dineliber kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes ni US Embassy Chargé d’ Affaires, ad interim (CDA) Heather Variava; kasama ang Commander ng U.S. Indo-Pacific Command Admiral John Aquilino at mga kinatawan ng U.S. Embassy in the Philippines’ Joint U.S. Military Assistance Group (JUSMAG).

Ang apat na drone na nagkakahalaga ng $4 million o katumbas ng P200 milyong piso ay inaasahang magpapalakas sa “domain awareness and border security capabilities” ng AFP.

Sinabi ni Variava na nanatiling committed ang Estados Unidos na tumulong sa modernisasyon ng AFP para magkasamang mapangalagaan ang isang bukas at malayang indo-Pacific Region.

Ang Pilipinas ang pinakamalaking benepisyaryo ng tulong-militar ng Estados Unidos sa Indo-Pacific region.

Mula 2015 ay mahigit 1 bilyong dollar na katumbas ng 50 bilyong pisong halaga ng barko, eroplano, armored vehicles at armas, at iba pang kagamitan ang nai-deliver ng Estados Unidos sa Pilipinas.