-- Advertisements --

Nasa 3,000 RT-PCR extraction kits ang tinanggap ng Philippine Genome Center mula sa Estados Unidos sa pamamagitan ng US Agency for International Development.

Layon nito para mapalakas pa ang Covid-19 testing genomic surveillance sa bansa.

Sa isang virtual ceremony, itinurn-over ni USAID Philippines Office of Health Director Michelle Lang-Alli ang mga extraction kits kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire at Usec. Myrna Cabotaje ng Department of Health (DOH) , at Philippine Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma.

Ayon kay Lang-Alli, ang mga RT-PCR extraction kits ay pang supporta ng pag-track ng mga variants ng corona virus, na inaasahang magpapalakas sa surveillance capability ng Philippine Genome Center.

-- Advertisement --

Ang Estados Unidos, sa pamamagitan ng USAID, Department of Defense, at Department of State ay nakapag-ambag na ng aabot sa Php1.4 billion piso bilang suporta sa paglaban ng Pilipinas sa pandemya.

Ang Estados Unidos din ang may pinakamalaking kontribusyon sa Covax facility, na namamahahi ng bakuna sa mga bansang nangangailangan.

Sa 13 milyong dose ng bakuna na natanggap ng Pilipinas mula sa nasabing pasilidad, 6.2 milyong dose ang mula sa mga Amerikano.