-- Advertisements --

Binalaan ng US ang China ukol sa ginagawa nitong panggigipit sa Taiwan.

Ang nasabing hakbang ay kaugnay ng nakatakdang virtual meeting nina US President Joe Biden at Chinese Presdient Xi Jinping nitong Nobyembre 16.

Nakausap na rin ni Secretary of State Antony Blinken si Chinese Foreign Minister Minister Wang Yi ukol sa sa nasabing pagmamalasakit ng US sa Taiwan.

Sa ginawang pag-uusap nina Blinken at Wag nitong Biyernes ay hinikayat nito ang China na magkaroon ng mapayapang pagpupulong ang dalawang lider.

Nais nilang maresolba ng payapa ang anumang pagkakaunawaan.

Pagkakataon aniya ng dalawang lider na pag-usapan ang responsableng pamamahala sa pagitan ng US at China.

Dalawang beses ng nakausap ni Biden sa teleopono si Xi mula ng maupo ito sa pagkapangulo habang noong bise-presidente pa lamang siya ni dating US President Barack Obama ay personal na itong nagkausap noong vice president pa si Xi ni President Hu Jintao.