-- Advertisements --

Bumisita sa White House si Turkish President Recep Tayyip Erdoğan.

Personal itong tinanggap ni US President Donald Trump kung saan tinalakay nila ang pagpapalakas ng depensa at trade relationship ng dalawang bansa.

Inaasahan din na tatanggalin ng US ang sanctions na ipinataw sa Turkiye para makabili na sila ng F-16 at F-35 fighter jets.

Kabilang din na tinalakay ng dalawang lider kung paano tuluyang matapos ang giyera sa pagitan ng Israel sa Gaza.

Pinuri din ni Trump ang Turkiye President dahil sa matagumpay na pagpapatalsik ng matagal na giyera laban sa Syria.