Ipinahayag ng bansang Malaysia ang kanilang buong suporta sa Pilipinas upang higit pang mapalago at mapaunlad ang halal industry sa ating bansa.
Ayon kay Malaysian Ambassador to the Philippines Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino, nakikita niya ang malaking potensyal ng Pilipinas na maging isang premium halal gateway sa buong rehiyon ng South East Asia.
Naniniwala siyang kayang abutin ng Pilipinas ang posisyong ito sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagpapaigting ng halal industry.
Dagdag pa ni Ambassador Celestino, hindi lamang maraming halal investor ang mahihikayat na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa pag-unlad na ito, kundi posibleng makalikha rin ito ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Ang paglago ng halal industry ay inaasahang magbubukas ng maraming oportunidad sa trabaho sa iba’t ibang sektor.
Target ng pamahalaan ng Pilipinas na makakuha ng mas maraming pamumuhunan sa halal industry.
Ang ambisyosong plano na ito ay naglalayong maabot ang tinatayang 7.9 trillion dollars na halaga ng pamumuhunan pagsapit ng taong 2028.