Tinuldukan na ng Cambodia at Thailand ang kanilang hidwaan at labanan, matapos magkasundo na isusulong na ang kapayapaan.
Pormal ng nilagdaan nina Cambodian Prime Minister Hun Manet at Thai Prime Minister Anutin Chairnvikarul kasama sina US President Donald Trump at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ngayong tanghali sa Kuala Lumpur, Malaysia sa sidelines ng 47th ASEAN Summit and Related Summits.
Kung maalala, sumiklab ang tensiyon sa pagitan ng Thailand at Cambodia nuong buwan ng July matapos ang madugong sagupaan ng kanilang military forces kung saan nasa 40 katao ang nasawi at nasa 300,000 na mga sibilyan ang lumikas sa kanilang mga tahanan.
Nagkasundo ang dalawang bansa na magpatupad ng ceasefire kung si Trump pumagitna sa dalawang bansa.
Sa kaniyang mensahe inihayag ni Trump na mas maiging pagtuunan ng pansin ang kalakalan ng sa gayon umangat ang ekonomiya dahil walang katuturan kung magpapatuloy ang labanan.
” No war, just purely trade,” ito ang mensahe ni Trump.
Dagdag pa ni Trump sa kapayapaan, milyong mga buhay ang maililigtas.
Samantala, pinuri naman ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang dalawang lider sa kanilang desisyon na pinili ang kapayapaan.
Aniya, mahalaga ang kapayapaan ng sa gayon mapanatili ang stability sa ASEAN region.















