-- Advertisements --
Kinasuhan ng ilegal drug use at possession ang sikat na Malaysian rapper na si Namewee.
Naghain ng not guilty plea ang 42-anyos na rapper at napalaya matapos ang pagpiyansa matapos na maaresto noong nakaraang buwan.
Kilala ang rapper sa mga satirical songs at music videos tungkkol sa taboo topics sa Malaysia at obscenity sa relihiyon sa China.
Sa kaniyang social media account ay mariing itinanggi nito ang alegasyon.
Iginiit naman ni Kuala Lumpur police chief Fadil Marsus na nakakuha sila ng mga pills na pinaniniwalaang mga ecstasy tablets.
Nagpositibo rin ang rapper ng illicit substance use kabilang ang amphetamines, methamphetamine, ketamine, at THC.
Sakaling lumabas ang hatol ay maaari siyang makulong ng hanggang limang taon.
		
			
        















