Ipinakilala na ng organizers ng 2026 World Cup ang magiging mascots nila mula sa tatlong host countries.
Ang mga ito ay sina Clutch the Bald Eagle, Maple the Moose at Zayu the Jaguar.
Sinabi ni FIFA President Gianni Infantino na ang mga mascots ay nagrerepresenta ng kasiyahan, lakas at pagkakaisa gaya ng FIFA World Cup.
Ang mga mascots ay nagrerepresenta ng host countries ang Maple the Moose ay sa Canada, habang ang Zayu ay mula sa Mexico at si Clutch the Bald Eagle ay mula sa US.
Gaganapin an opening match ng 2026 World Cup sa Mexico City sa Estadio Azteca sa Hunyo 11, 2026 habang ang huling laban ay gaganapin sa MetLife Stadium sa New Jersey ng Hulyo 19.
Sa unang pagkakataon din ay magkaroon ng halftime show.
Binubuo ng 104 matches kung saan mayroong 48 national team na mula sa dating 32 lamang.