-- Advertisements --
Patay ang isang katao matapos na barilin ng hinihinalang sniper sa isang immigration facility sa Texas.
Sinabi ni Homeland Security Secretary Kristi Noem na namatay din ang suspek matapos na umano’y nagpakamatay.
Dalawa ring sugatan na binaril ng suspek na ang mga ito ay dinala sa pagamutan.
Pumuwesto ang suspek sa katapat na gusali kung saan ginawa nito ang krimen.
Patuloy naman na inaalam ng mga otoridad ang pinaka-motibo ng suspek sa pamamaril.