-- Advertisements --

Hindi naapektuhan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kaniyang pagtatalumpati sa United Nations General Assembly (UNGA) kahit na maraming mga delegado ang nag-walk out bilang protesta.

Sa kaniyang talumpati ay binatikos ni Netanyahu ang mga bansang kumikilala sa Palestinian State at tinawag nitong nakakahiya.

Naglagay din ang mga Israel Defense Forces ng loud speaker sa boundary ng Gaza para marinig ang talumpati ni Netanyahu sa New York.

Giit nito na hindi pa nila nakakalimutan ang ginawa ng Hamas na dukutin ang mga Israeli noong October 7 attack.

Mayroon pang 48 na bihag ang hawak ng mga Hamas kung saan 20 sa mga dito ay buhay pa.

Pinasalamatan din ni Netanyahu si US President Donald Trump sa hakbang nito laban sa Iran ng atakihin nila ang nuclear plant nito.

Mariing pinabulaanan nito ang alegasyon na tinarget nila ang mga sibilyan sa Gaza.