-- Advertisements --

Umabot na sa dalawang detainees ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa US Immigration and Customs Enforcement field Office sa Dallas,Texas.

Ayon sa Department of Homeland Security , na isang detainee rin ang sugatan na itinakbo sa pagamutan.

Kinilala naman ang suspek na si Joshua Jahn na natagpuang wala ng buhay sa katapat na gusali na pinaniniwalaang nagpakamatay.

Sa isinagawang imbestigasyon ay pumuwesto ang suspek sa katapat na gusali ng ICE building at doon ay walang habas na namaril.

Itinuturing nilang isang ‘Targeted violence’ ang insidente dahil nakita ng mga otoridad ang basyo ng bala na nakasulat ang anti-ICE.

Tiniyak naman ni Texas Governor Greg Abbott na hindi sila hihinto na mag-aresto ng mga iligal na migrants at hindi patitinag kahit mayroong insidente ng pamamaril.