Kinokonsidera umano ni President Donald Trump na muling ipagpatuloy ang pagbibigay pondo sa World Health Organization.
Noong nakaraang buwan nang suspendihin ni Trump ang kontribusyon ng Estados Unidos sa naturang ahensya dahil sa di-umano’y palpak nitong pangangasiwa sa coronavirus outbreak.
Aniya, kakailanganin nitong i-review ang magiging hakbang ng WHO hinggil sa pandemic sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.
Base sa report, papantayan ng Amerika ang halaga na ibinigay ng China para sa ahensya.
Sinabi naman ng American president sa isang tweet na isa lamang ito sa mga konsepto na kanilang pinag-iisipan at wala pang napagkakasunduan na desisyon tungkol dito.
Ayon pa kay Trump, makikipagtulungan lang muli ang US sa WHO kung gagawa ito ng “meaningful reforms.”