-- Advertisements --

Mag-uuwi ang Estados Unidos ng humigit-kumulang 600 na sundalong Amerikano mula sa Syria, ayon sa isang opisyal ng bansa nitong Huwebes (oras sa America). Dahil dito, bababa sa wala pang 1,000 ang bilang ng natitirang tropang Amerikano sa Syria.

May dalawang pangunahing papel ang tropang Amerikano sa Syria una ay ang paglaban sa mga militante ng Islamic State at iaklawa ang pagpigil sa napipintong gera sa pagitan ng mga puwersang Kurdish at Turkey.

Itinuturing kasi ng Turkey na kaalyado ng mga terorista ang ilang grupong Kurdish.

Sinubukan noon ni U.S. President Donald Trump na i-urong ang lahat ng sundalo mula Syria sa kanyang unang termino, ngunit hinarang ito ng Pentagon at ilang matataas na opisyal dahil sa pangambang mabigo ang U.S. sa mga kaalyado nito. Ang hakbang ay nauwi rin sa pagbibitiw ni dating Defense Secretary Jim Mattis.

Umabot sa higit 2,000 ang tropang sundalong Amerikano ang ipinadala noon sa Syria matapos ang tensyon noong 2023, dahil sa mga pag-atake ng mga grupong sinusuportahan ng Iran laban sa mga tropang Amerikano sa rehiyon.

Noong Enero 2024, tatlong sundalo ng U.S. ang napatay sa isang drone strike ng grupong may ugnayan sa Iran at Jordan

Bagamat tumakas si Syrian President Bashar Assad noong Disyembre 2024 at may mga mamamayang nagsimula nang bumalik sa kanilang tahanan, nananatiling delikado ang sitwasyon sa Syria. Patuloy ang mga opensiba ng Israel at may mga ulat ng muling pagbubuo ng Islamic State.