-- Advertisements --

bidenputin

Itinanggi ng United States na nagsagawa sila ng military operations sa Russian territorial waters.


Ito’y matapos inihayag ng Moscow na itinaboy ng isang Russian naval vessel ang isang US submarine sa may bahagi ng Russian waters sa Pacific.

Inakusahan ngayon ng Russia ang Washington na lumabag sa international law at lumikha ng national security threat hinggil sa insidente lalo at ito ay kasagsagan ng tension sa pagitan ng Moscow at Washington kaugnay sa Russian military buildup malapit sa Ukraine.

“There is no truth to the Russian claims of our operations in their territorial waters,” Captain Kyle Raines, US military spokesman sa isang pahayag.

“I will not comment on the precise location of our submarines but we do fly, sail, and operate safely in international waters,” dagdag pa sa pahayag ni Raines.

Binigyang-diin din ng opisyal na isang common routine para sa United States na imonitor ang anumang military activity ng ibang bansa na hindi pumapasok sa kanilang territorial waters.

Sa pahayag na inilabas ng Russian Defense Ministry, ang crew ng Marshal Shaposhnikov frigate ay gumawa ng kaukulang hakbang para itaboy ang submarine sa Russian waters.

Ipinagbigay-alam na rin ng Russia sa US defense attaché ang nasabing insidente.

Batay sa report, ang submarine ay namataan malapit sa Kuril Islands, habang nagsasagawa ng naval exercises ang Pacific Fleet ng Russia.

“The US submarine … left Russian territorial waters at maximum speed,” pahayag ng Russian Defens Ministry.

Hindi naman masabi ng Russia kung saan anong lugar nangyari ang insidente.

Ilang bahagi kasi ng Kuril Islands chain ay kini-claimed ng Japan.

Nitong, Sabado nag-usap na sa pamamagitan ng telepono ang Russia’s defense minister at ang kaniyang US counterpart.

Nag-usap na rin sina US President Joe Biden at Russia’s Vladimir Putin sa telepono, kung saan tinalakay ng dalawa ang Ukraine, pero hindi napag-sapan ang isyu tungkol sa submarine incident.