Hinikayat ng malakanyang ang mga lokal na pamahalaan na makiisa sa panawagan ng pangulo na tumulong at ireport sa kaniya ang mga flood control projects sa kani kanilang mga nasasakupan sino ang mga contractor at ano ang status ng mga proyektong ito.
Ito’y kasunod ng ginawang hakbang ni Pasig city mayor vico sotto na naglabas ng report hinggil sa mga flood control project sa kaniyang lugar.
Sinabi ni palace press officer at pco usec atty claire castro na ang ganitong pagtutulungan ay mahalaga alinsunod sa nauna nang utos ng pangulo na dapat bigyan ng dagdag na atensyon ang pagsasaayos sa mga proyekto.
Ayon kay Catro sa ilang obserbasyon, nabatid na may mga dating contractor na blacklisted na subalit nagpalit lamang ng pangalan at patuloy pa ring nakapagta transaksyon hanggang ngayon.
Muling binigyang-diin ni Castro ang nauna nang pahayag ng pangulo na nagsabing uusigin ng pamahalaan at ng batas ang sinumang mga nasa likod ng maanomalyang flood control projects.
Ito ay kahit pa tamaan ang mga kontratista o sinumang mga personalidad na malapit sa kaniyang puso sakaling mapatunayan na may kinalaman sila sa katiwalian o maanomalyang proyekto.