-- Advertisements --

Suportado ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Representative Leila de Lima ang panawagan na paghahain ng panibagong Arbitral Case laban sa China.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na panghaharass ng mga barko nito ang pag-aangkin sa teritoryo ng Pilipinas.

Ang hakbang na ito ay bilang pagprotekta sa interes ng Pilipinas sa mga karagatang sinasakop ng China.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ang panibagong panghaharass ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea na nagsasagawa lamang ng Kadiwa Mission para sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Binigyang-diin niya na ang panalo sa Arbitral Ruling ay hindi lamang dokumento, kundi sagisag ng pambansang dangal na kinikilala ng mundo.

Kasama ang West Philippine bloc sa Kamara, hiniling niya ang pagpasa ng House Bill No. 1625 (West Philippine Sea Mandatory Education Act) upang isama ang usapin ng WPS sa kurikulum ng elementarya at high school, at House Bill No. 1626 na nagdedeklara sa July 12 bilang National West Philippine Sea Victory Day.

Aniya, ang pagtatanggol sa WPS ay pagtatanggol sa mga mangingisda at sa soberanya ng bansa.