-- Advertisements --

Hindi gagawing mandatory ng US pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine sa kanilang mamamayan.

Sinabi ni Dr. Anthony Fauci, ang top infectious diseases officials, na ipapaubaya na nila sa mga estado o grupo kung gagawin nila itong mandatory.

Dagdag pa nito na ayaw nilang pilitin ang sinuman na magpabakuna.

Maari lamang itong gawin sa isang grupo gaya sa grupo ng mga health workers.

Magugunitang una ng inihayag ni Australian Prime Minister Scott Morrison na bibigyan nila ng bakuna ang lahat ng kanilang mamamayan.