Muling hinarang ng Amerika ang isang draft resolution sa United Nations Security Council na nananawagan para sa agaran at permanenting tigil-putukan sa Gaza at pagpapalaya sa mga bihag.
Ito na ang ika-anim na pagkakataon na hinarang ng Amerika ang kaparehong hakbang.
Ayon kay US deputy Middle East envoy Morgan Ortagus, ang pagtutol ng Amerika sa resolution ay hindi na aniya nakakagulat pa.
Ito ay dahil nabigo umano ang resolution na kondenahin ang Hamas o kilalanin ang karapatan ng Israel para depensahan ang sarili nito at maling gawing lehitimo ang maling mga naratibo na magbebenipisyo sa Hamas.
Agad namang nagpahayag ng pagkadismaya ang mga miyembro ng UN sa naging hakbang ng Amerika.
Lahat ng 14 ng iba pang miyembro ng Security Council ay bumoto ng pabor sa draft resolution, na inilarawan ang sitwasyon sa Gaza bilang sakuna at nananawagan sa Israel na alisin na ang lahat ng restriksiyon sa mga ayuda.
Ginawa ng konseho ang hakbang, sa gitna ng babala ng United Nation humanitarian office na nauubos na ang huling lifelines sa Gaza City sa gitna ng pagpapalawig pa ng Israel sa kanilang opensiba.
Gayundin, ang panibagong botohan sa UN ay ilang araw bago ang pagtitipon ng world leaders para sa UN General Assembly kung saan ang Gaza ang pangunahing paksa at ang inaasahang pagkilala ng pangunahing mga kaalyado ng Amerika kabilang na ang UK sa Palestinian state bilang independent
















