Nagsagawa umano ng sekretong trilateral meeting ang Amerika, Israel at Qatar sa New York nitong weekend.
Ito ay ilang buwan matapos magsagawa ang Israel ng airstrike sa Doha noong Setyembre 9, subalit bigong matamaan ang target na top Hamas negotiator na si Khalil al-Hayra at iba pang Palestinian militant group at sa halip at kumitil ng 6 na ibang katao.
Base sa source, ito ang highest level meeting sa pagitan ng tatlong bansa simula ng maging epektibo ang ceasefire sa giyera sa Gaza, kung saan nagsilbi ang Qatar bilang pangunahing mediator.
Subalit sa panig ng Amerika, wala pang pagkumpirma ang White House kaugnay sa naturang pulong.
Sa report mula sa American news website (Axios), si White House envoy Steve Witkoff ang nagsilbing host sa naturang pulong kasama si Mossad spy chief David Barnea na kumatawan sa Israel at dumalo rin ang isang hindi pinangalanang senior Qatari official.
Ang pangunahing pokus umano ng pulong nitong Linggo ay ang pagpapatupad ng Gaza peace agreement.















