Nanawagan ang Pilipinas sa United Nations Security Council (UNSC) na manguna sa pag-regulate ng paggamit ng artificial intelligence (AI) sa larangan ng militar upang maiwasan ang mga bagong banta sa pandaigdigang seguridad.
Ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro sa UNSC ang pag-aalala na ang mabilis na pag-unlad ng AI sa military arms ay maaaring magpababa ng mabilis na pag-ukupa at magdulot ng mas matinding tensyon.
Binanggit niya na ang AI-assisted weapons ay hindi dapat gumana nang kung hindi kino-kontrol ng tao.
Magugunitang ang Pilipinas ay kabilang sa mga nanguna sa pagbuo ng UN General Assembly resolution noong 2024 tungkol sa “Artificial Intelligence in the Military Domain,” na tumutukoy sa panganib ng AI-driven arms race.
Hinimok ni Lazaro ang Council na i-angkla ang mga patakaran sa AI sa international humanitarian law at human rights law. Binanggit din niya na dapat may mahigpit na pangangasiwa kung gagamitin ang AI sa peacekeeping missions upang maprotektahan ang mga tao.
Nagbabala rin siya sa maling paggamit ng AI gaya ng deepfake propaganda, disinformation, at automated targeting na maaaring magpalala ng kaguluhan at guluhin ang demokrasya.