-- Advertisements --

Ibinabala ng United Nations atomic watchdog na magkakaroon ng matinding epekto kapag tamaan ng Israel ng kanilang missiles ang nuclear facility ng Iran.

Sinabi ni International Atomic Energy Agency (IAEA) director Rafael Grossi, na magkakaroon ng mataas na paglabas ng radioactivity kapag tinamaan ang Bushehr na gawa ng Russia at ito ay matatagpuan nsa Gulf Coast.

Nanawagan ito sa isinagawang UN Security Council meeting na dapat ay kumilos na sila para mapigilan ang anumang pag-atake.

Maging ang mga bansa na nakapalibot sa Gulf Coast ay madadamay.

Natitiyak naman ng mayroong silang mahigpit na pagbabantay at hindi gagawa ng nuclear weapons ang Iran.

Magugunitang sa mahigit isang linggong palitan ng missiles ng Iran at Israel ay ilang mga sibilyan na ang nadamay.