-- Advertisements --

Pumabor ang pilipinas sa isang resolusyon ng United Nations General Assembly na nanawagan ng agarang tigil putukan sa Gaza.

Matatandaan na ang hakbang ay kasunod ng nabigong resolusyon sa UN Security Council noong nakaraang linggo, na na-veto ng Estados Unidos.

Ang resolusyon ay ipinatupad matapos ang UN General Assembly noong Hunyo 12. Pumabor dito ang 149 na bansa kung saan 12 dito ang kontra habang 12 naman ang nag-abstain.

Nabatid na kasama sa mga tumutol ang Estados Unidos, Israel, Argentina, Hungary, at Paraguay. Samantalang ang India, Albania, Czechia, Georgia, Ecuador, Romania, Timor-Leste, at Ethiopia ay nag-abstain.

Binanggit din sa resolusyon ang pagkondena nito sa pag-harang ng mga humanitrian aid sa Gaza, dahil para magkaroon ng labis na tag-gutom sa rehiyon.

Ayon pa dito na obligasyon umano ng Israel na tiyakin na nakakapasok ang tulong para sa mga apektadong sibilyan. Ipinagutos din ng UN ang agarang pagpapalaya sa lahat ng hostages na hawak ng Hamas at iba pang grupo.