-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni US National Security Advisor Jake Sulivan kung bakit may mga Americans ang naiwan sa Afghanistan.

Sinabi nito na mula pa noong Marso ay inalok na ng mga ito ng halaga ng pera para makabalik na sa US subalit nagmatigas pa sila.

Dagdag pa nito, nasa 97 porsiyento ng mga kababayan nila na nasa Afghanistan ay kanila ng nailikas.

May ilan sa kanila ay nagbago ang desisyon sa huling oras ng paglilikas.

Habang ang iba ay nais na isama ang malaking bilang ng kanilang pamilya.

-- Advertisement --

Magugunitang binabatikos ang US government dahil marami pang mga Americans ang naiwan sa Afghanistan.