Pinaghahanda na ng mga opisyal ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang mamamayan ng Amerika na paghandaan ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng Coronavirus Disease (CODIV-19).
Sinabi ni Dr. Nancy Messonnier, director of CDC National Center for Immunization and Respiratory Disease, na hindi na nila basta-basta makikita kung kailan ito huhupa.
Umabot na kasi sa kasalukuyan sa 57 ang nagpositibo sa nasabing virus.
Sinasabing dalawang approach lamang daw ang ginagawa nila at ito ay pag-implementa ng mga istratehiya para mabawasan ang epekto nito sa mamamayan.
Nanawagan naman ang ilang mga mambabatas na magpasa ang kongreso ng resolusyon para sa alokasyon na billion of dollars sa pagsugpo ng nasabing virus.
Sinabi naman ni US President Donald Trump na kontrolado pa nila ang nasabing sitwasyon.