-- Advertisements --

Walang balak ang Iran na ipagpatuloy ang nuclear negotiations nila sa US.

Sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, na wala pang kasunduan para sa pagpapatuloy ng negosasyon.

Dagdag pa nito na mayroon na silang masamang karanasan sa US kung saan parang sila ay na-traydor.

Ang pangyayari ay tiyak aniya na makakaapekto sa mga susunod nilang desisyon.