-- Advertisements --

Binalewala ng supreme leader ng Iran ang ginawang airstrikes ng US sa kanilang nuclear facilities.

Ayon kay Iranian supreme leader Ayatollah Ali Khamenei na walang anumang napala ang US sa kanilang ginawa kung saan hindi maaantala ang kanilang nuclear programme.

Habang ang ginawang pagganti ng Iran sa airbase ng US sa Qatar ay nagtala ng matinding pinsala.

Inilabas ng Iran ang pahayag ng kanilang supreme leadera matapos na ipagmalaki ng US na napigil nila ang Iran sa nuclear ambition nito.

Ang Iranian Supreme Leader ay nagtago sa bunker ng halos dalawang linggo mula ng magsimula ang pag-atake sa kanila ng Israel.

Giit nito na masyadong na-exaggerate ni Trump ang umanoy airstrike na ginawa nito.