-- Advertisements --
Inanunsiyo ng US health department na kanilang bibilhin ang halos lahat ng mga COVID-19 na gamot na remdesivir na gawa ng US drug company na Gilead.
Napagkasunduan nila kasi ang pagbili sa loob ng tatlong buwan ang nasa 500,000 doses ng nasabing gamot na gagamitin sa mga pagamutan sa US.
Base kasi sa trials ay pinapabilis ng remdesivir ang paggaling ng mga nadapuan ng coronavirus.
Sinabi ni Department of Health and Human Services Secretary Alex Azar, na nakipagkasundo si US President Donald Trump sa kumpanya para matiyak na mayroong access ang lahat ng kanilang mamamayan sa authorised therapeutic sa COVID-19.
Aabot kasi sa $2,340 ang halaga ng gamutan sa US.