-- Advertisements --

Bukas ang Pilipinas sa anomang suhestiyon, mungkahi o ideya na magmumula sa Amerika upang higit pang mapabuti ang sitwasyon ng bansa sa gitna ng ibat- ibang hamon na kinakaharap nito.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa courtesy call sa kanya ng US Senate Armed Services Committee Congressional delegates sa Malakanyang.

Ayon sa Pangulo, maraming bagay ang maaaring magkatuwang na gawin ng US at Pilipinas gaya ng may kinalaman sa mga multilateral na kasunduan na nagawa na ding maitatag sa rehiyon.

Sinabi ng Pangulo na napakarami pang dapat talakayin sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika na pinasalamatan din ng Punong Ehekutibo para sa suportang ibinibigay din nito sa modernisasyon ng AFP.

Sa harap nito ay nagpahayag din ng pag- asa si Pangulong Marcos na lalo pang magiging magkakatuwang sa hinaharap ang Pilipinas at US lalo at sa nakalipas na mahigit isandaang taon ay malapit na ang ugnayan ng dalawang bansa.