-- Advertisements --

Binawi na ni US President Donald Trump ang Secret Service Protection ni dating Vice President Kamala Harris.

Ito ay matapos na palawigin ni dating US President Joe Biden noong natapos na ang termino nila.

Bilang dating vice-president ay nakasaad sa batas na makakatanggap ito ng security matapos ang pag-alis nito sa opisina noong Enero na nakatakdang magtapos sa Hulyo.

Subalit base sa direktiba noon ni Biden ay pinalawig niya ng hanggang isa pang taon.

Base na rin sa inilabas na kautusan ni Trump ay kaniya ng tuluyang kinakansela ang nasabing memorandum na Biden.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng nakatakdang promosyon ni Harris ng kaniyang libro na “107 Days” kung saan mababasa ang karanasan nito noong 2024 presidential campaign.