-- Advertisements --
May ilang mahalagang nakatakdang tatalakayin ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa pagtungo nito muli sa White House.
Sinabi nito na kaniyang ipipresenta kay US President Donald ang ilang “principles” para sa negosasyon sa Iran.
Naniniwala ito na ang nasabing mga principles ay mahalaga hindi lamang sa Iran at sa halip ay maging sa buong mundo.
Pinuri din ni Netanyahu ang kakaibang pagiging malapit ng US at Israel kung saan mahalaga ang ugnayan ng dalawang bansa.
Ito na ang pang-anim na pagkakataon na bibisita si Netanyahu sa US mula ng mahalal sa ikalawang termino si Trump.
















