-- Advertisements --
Kinasuhan ni Federal Reserve governor Lisa Cook si US President Donald Trump.
Ito ay matapos ang tangka ng US President sibakin siya.
Hiniling ni Cook ang korte na hindi makatarungan at walang bisa ang kautusan ni Trump na siya ay sibakin.
Pinangalanan din bilang defendant si Fed Chairman Jerome Powell.
Una ng sinabi ni Trump na mayroong sapat na rason para sibakin si Cook dahil sa maling impormasyon na isinawalat nito ukol sa mga utang nito.
Nakasaad din aniya sa konstitusyon na may kapangyarihan ang pangulo para sibakin nito si Cook.